AFP, NAGBABA NG DEADLINE PARA TAPUSIN NA ANG NALALABING CPP-NPA

By: Victor Baldemor Ruiz

KINUMPIRMA kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Romeo Brawner na nagbaba ng guidance si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang commander-in-chief, na sikaping mawakasan na ang insurgency sa bansa.

Dumalo si Pangulong Marcos, Jr. sa ginanap na kauna-unahang command conference ng AFP para sa taong 2024, kung saan binigyan siya ng briefing hinggil sa mga naging accomplishment ng hukbong sandatahan at mga kasalukuyang programang ipinatutupad kaugnay sa internal at external security.


Kaugnay sa insurgency situation, tatangkain ng AFP na mawakasan na ito nang tuluyan upang pumihit na sila sa ‘external territorial defense.’

Ayon kay Brawner, nagbigay siya ng deadline sa lahat ng kanilang field commanders na tuluyan nang sugpuin ang mga nalalabing rebeldeng komunista na kabilang sa sinasabing ’14 weakened guerilla fronts’ na nalalabing tinutugis pamahalaan.

Inihayag ni Brawner na ang kanyang command guidance sa lahat ng field commanders ay na wasakin ang mga nalalabing vertical force ng CPP-NPA.


Una nang inihayag ng AFP na sinasabing naabot na nila ang strategic victory laban sa CPP-NPA at mahihirapan ang mga komunistang rebelde na makabalik sa dati nilang lakas tulad noong dekada ’90.

Taliwas umano ito sa inilabas na pahayag ni Mark Valbuena ng CPP-NPA na tatagal pa ang kanilang pakikipagtunggali sa pamahalaan at malalagpasan pa nila ang Marcos -U.S regime.


Tags: Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Romeo Brawner

You May Also Like

Latest News