AFP, NAALARMA SA NASABAT NA P441 MILLION SA MCIA

By: Victor Baldemor Ruiz

Lubhang nakaka-alarma ang pagkakasabat ng nasa P441 million sa isang international airport sa Cebu dalawang araw bago ang gaganaping National and Local Election, kaya pinapurihan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mabilis na pagkilos ng mga law enforcement authorities.

Binigyang pagkilala ng AFP ang pagkakasabat ng mga awtoridad ng nasa P441 million cash na nakasilid sa pitong trolley bags sa General Aviation Terminal, Mactan-Cebu International Airport (MCIA), sa pagitan ng alas- 11:30 PM noong May 9 at 4:14 a.m. nitong May 10, 2025.


Nabatid na ang kinumpiskang bult- bultong pera ay nakatakda sanang ilipad patungong Maynila, sakay ng private aircraft flight RP-C9968.

Umabot sa 11 katao ang inaresto kaugnay sa pagdadala ng malaking halaga ng salapi na ipinagbabawal sa mga paliparan, lalo na ngayong eleksyon.

Kabilang sa mga inaresto ang anim na Chinese, isang Malaysian, isang Indonesian, isang Kazakhstani at dalawang Pilipino .


Dumating sa paliparan ang grupo sakay ng kulay puting Toyota Super Grandia (plate number NGL 5798) at tinangkang lagpasan ang pinaiiral na standard security protocols.

“The failure of these individuals to provide valid documentation for the transport of such significant amount of cash constitutes a clear violation of Commission on Elections (COMELEC) Resolution No. 11104, which regulate and penalize the unauthorized transport of large sums of money during the election period,” ayon sa AFP.


Nabatid pa na patuloy na nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) at maging sa Bureau of Immigration (BI), para sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa posibleng paglabag sa money laundering at immigration laws, subalit nakaka-alarma din umano ang nasabing pagkakasabat ng bulto bultong salapi dahil sa posibleng magamit ito sa potential election-related illegal activities, kabilang na ang vote-buying at money laundering.

“The involvement of multiple foreign nationals strongly suggests the alarming possibility of foreign interference in our sovereign electoral process,” ayon sa AFP.


Tiniyak naman ng Sandatahang Lakas na kanilang pangangalagaan ang integridad ng ating democratic institutions at nakahanda umano sila\]ng magkaloob ng buong buong suporta sa isinasagawang pagsisiyasat ng kanilang mga law enforcement counterparts.

“We laud the vigilance and rapid response of the Philippine National Police and other law enforcement agencies, whose actions may have averted a significant threat to our democracy,” ani Col Xerxes Trinidad ang AFP Public Information Office chief.



Tags: Armed Forces of the Philippines (AFP)

You May Also Like