AFP NAKI-ISA SA PAG GUNITA NG 125th TAON NG FIRST REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

By: Victor Baldemor Ruiz

SINAMAHAN ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff, General Romeo S Brawner Jr, si the Commander-in-Chief, President Ferdinand R Marcos Jr, sa pagdiriwang ng ika- 125th Anniversary ng First Republic of the Philippines sa ginanap kahapon sa Barasoain Church Historical Landmark, Malolos, Bulacan.

“We are gathered here today where the cornerstone of our Republic was first laid, where our journey to nationhood was catapulted forward by the unstoppable will of our people to be free. We draw strength from what has transpired on these hollowed grounds 125 years ago,” pahayag ng Commander-in-Chief.


Hinikayat din ni Pangulong Marcos ang sambayanang Filipino nag awing inspirasyon ang pananaw ng mga nagsipagtatag ngt republika para harapin ang mga pangkasalukuyang hamon kinakaharap ng bansa.

“Kagaya ng mga haligi ng Republika ng Malolos, paigtingin natin lalo ang pag-ibig sa bayan upang maisulong natin ang isang mapagpalaya, mas maunlad at tunay na maginhawang bagong Pilipinas,” pahayag pa ng commander-in-Chief .

Ayon kay Pangulong Marcos patuloy ang pamahalaan sa pagsusulong ngpara sa national unity… for a cause higher than we are,” inspired by the heroism and sacrifice of those who led the First Philippine Republic.


“Hindi makakaila na patuloy pa rin ang laban ng bayan sa banta ng sakit, kahirapan, kalamidad at iba pang uri ng mga panganib. Kaya naman makakaasa kayong magiging karamay ninyo ang pamahalaan sa pagharap sa mga pagsubok na ito,” dagdag pa ni Marcos Jr.

“Bawat isa sa atin ay maituturing na bayani ng ating makabagong panahon. Tayo ang tagapangalaga ng ating henerasyon. Kagaya ng mga haligi ng Republika ng Malalolos, paigtingin natin lalo ang pag-ibig sa bayan,” anang commander in chief.


Bukod kay Gen Brawner, kasama ng Pangulom sina Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez, Executive Secretary Lucas Bersamin, at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairperson Emmanuel Calairo.


Tags: General Romeo S Brawner, Jr.

You May Also Like