Mariing itinanggi ng pamunuan ng Armd Forces of the Philippines na may umiiral na favoritism o bata-bata system sa kanilang organisasyon, kasunod ng pagkalat ng mga sulat at social media post hinggil sa isyu sa kanilang hanay para makakuha umano ng magandang posisyon kahit na hindi umano ‘deserving’ o kulang ng qualification na kailangang pagdaanan.
Aminado ang AFP na may mga nasasagap silang anonymous text messages at mga social media posts na umiikot sa kanilang hanay hinggil sa umanoy favoritism at mismanagement sa loob ng AFP organization.
“These claims are unfounded and do not reflect the reality of our promotion system,” ani Col. Francel margareth Padilla, ang tagapagsalita ng Hukbong Sandatahan.
Ayon sa inilabas na pahayag ni Col Padilla, “ We will not dignify this and its anonymous author.”
Naninindigan kami sa propesyonalismo at strategic decision- making ng aming pamunuan. Ang sistema ng promosyon at appointment sa loob ng AFP ay idinisenyo upang kilalanin ang merito at dedikasyon, giit ni Col Pdilla
Gayundin umano, ang paglalakbay o tour of duty ng mga AFP officers, enlisted leaders at maging ng mga civilian human resources ay mission-focused at base sa sa kanilang international defense and security engagements.
Dagdag pa ni Padilla sa kanyang inilabas na statement: “that these engagements result in new and stronger military cooperation with like-minded nations especially with the prevailing situation in the West Philippine Sea. It also assures the fulfillment of our obligations to our partners.”
Ang pamunuan ng AFP ay nakatuon umano sa pagtugon sa anumang mga isyu at pagtiyak na ang mga prinsipyo ng merito at propesyonalismo ay gagabay sa mga aksyon nito sa lahat ng oras.
Tayo ay mananatiling nakatutok at nakatuon sa mga prinsipyo ng integridad, disiplina, at paglilingkod sa bayan at hindi maabala ng hindi nagpapakilala at walang basehang mga paratang, mariing pahayag pa ni Col Padilla.
Kamakailan ay kumalat ang umano’y mga ‘open letter’ o ‘white paper’ sa hanay ng kasundaluhan hinggil sa umano’y umiiral na nepotismo at cronyism sa loob ng organisasyon ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.














