ITINAMPOK ng Armed Forces of the Philippines ang mga naitala nitong accomplishments sa kanilang military campaign at mga kasalukuyang programa na naging ambag ng militar sa unang 100 Days ng panunungkulan ni President Ferdinand Marcos, Jr.
Kabilang sa mga ipinagmamalaking accomplishments ng AFP ang nakamit na panalo sa internal peace and security operations, external defense, modernization at capability development, and international bilateral and multilateral engagements.
Sa internal security and stability, nagawang ma-dismantled ng AFP ang limang (5) guerilla fronts, pagkaka neyutralisa sa 310 kasapi ng communist terrorist group (CTG), at recoveries ng nasa 300 firearms. Nakapagtala rin ang AFP ng 58 neutralized members ng local terrorist group (LTG) at pagsuko sa 54 firearms.
Sa peace process, kasali ang AFP sa matagumpay na oath-taking ng mga bagong kasapi ng Bangsamoro Transition Authority, na binubuo ng mga kinatawan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).
Inayudahan din ng AFP ang Office of the Presidential Adviser on Peace (OPAPRU), Reconciliation, and Unity sasinbasagawabf decommissioning ng MILF personnel and firearms, na nagresukta sa decommissioning ng 19,345 MILF combatants at collection ng 2,450 firearms na bahagi ng Normalization process sa mga peace-inclined group.
Habang sa external defense, nakapagsagawa ang AFP ng kabuuang 77 maritime at 44 air patrols gamit ang existing maritime and air domain awareness platforms, na nagging daan para sa pangangalaga ng territorial waters at detection ng 32,273 vessels na naglalayag sa Philippine waters.
Para sa ongoing AFP modernization program, nasa 50 projects na ang nakumpleto para sa Horizons 1 and 2, na may 85 projects pang nalalabi sa ilalim ng RA 10349.
Sa international defense and security engagements, ang AFP ay sumali sa 25 bilateral at tatlong multi-lateral activities kasama ng USA, Japan, Singapore, Australia, China, Indonesia, India, Canada, South Korea, at Finland.
“As protector of the people of the state, the AFP shall remain one of the catalysts for unity and progress,” ani AFP Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro na tumitiyak sa commitment ng Hukbong Sandatahan para sa excellent public service and selfless performance of its duty..
“Anchored on the President’s call for unity, the AFP will continue to support the Whole of Nation approach of the government, actively supporting its programs to build secure, resilient, and progressive communities leading towards a bright future for all Filipinos,” pahayag pa ni Lt. Gen. Bacarro. (VICTOR BALDEMOR)