Latest News

AFP, HANDANG SUPORTAHAN ANG JAPAN COUNTERPART KASUNOD NG MAGNITUDE 7.6 NA LINDOL

By: Victor Baldemor Ruiz

AGAD na nagpahayag ang Armed Forces of the Philippines na nakahanda ang kanilang puwersa para suportahan ang Japan Self-Defense Force (JSDF), kasunod NG intensity 7.6 earthquake na tumama sa Japan sa mismong araw ng bagong taon.

Matapos na yanigin ng magnitude 7.6 na lindol ang isang prefecture sa Japan ay nagpahayag si AFP chief General Romeo Brawner, Jr. na handa silang tumulong sa JSDF kung kakailanganin.

“In times of crisis, international cooperation becomes paramount, and the AFP expresses its readiness to collaborate with the JSDF in any way deemed necessary. The AFP remains committed to fostering strong bonds of friendship and cooperation with the Japan Self-Defense Force, united in our shared dedication to safeguarding the well-being of our respective nations and contributing to global peace and security,” ani Brawner.

Paliwanag ng heneral, sa oras ng kalamidad o krisis ay mahalaga ang international cooperation kung kaya’t nakaantabay sila sa anumang pangangailangan ng Japan.

Committed aniya ang AFP na mapatatag pa ang ugnayan ng Pilipinas at Japan lalo pa at isa ang Japan sa maituturing na kaibigan ng bansa at kaisa sa hangarin ng pagsulong ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Kasunod nito, nagpahayag naman ng simpatya si Brawner para sa mga indibidwal na naapektuhan ng malakas na lindol sa Japan.

Sa inisyal na ulat, may anim ng naitalang nasawi sa nasabing paglindol na inaasahang magdudulot ng malalakas pang aftershocks habang wala pang natatangap na ulat ang Philippine Embassy kung may mga Filipino bang nasaktan kasunod ng lindol na na tumama sa Noto region sa Ishikawa prefecture na bahagi ng main central island ng Honshu at nasa gilid lamang ng Sea of Japan.

“Wala pa tayong report na Filipino na na-injured dito sa lindol. Ang nakukuha naming information from our Filipino communities in the affected areas, meron nang napunta sa mga evacuation center, meron na ring napunta sa city hall kasi pinalikas na sila to avoid ‘yung possible tsunami,” ani Philippine Ambassador to Japan Mylene Albano sa isang panayam.

Nabatid na agad na nagpalabas ng “large tsunami warning” ang Japan Meteorological Agency kasunod ng malakas na pagyanig, habang binalot naman ng dilim ang may 33,500 kabahayan sa Toyama, Ishikawa at Niigata prefectures na pawang nasa paikot lamang ng epicenter ng lindol matapos na magkaroon ng malawakang power outage.

Sinasabing may 860 Filipinos sa Yamagata at mahigit sa 1,000 Filipinos naman ang naninirahan sa Ishikawa Prefecture.

Tags:

You May Also Like

Most Read