Latest News

BGen Charito Plaza (Res) delivers her remarks during the Kick-off Ceremony of the National Women's Month Celebration on March 4 in Camp Aguinaldo, Quezon City.

AFP AT PNP, NAKIISA SA NATIONAL WOMEN’S MONTH CELEBRATION 2024

By: Victor Baldemor Ruiz

KAPWA nakiisa ang mga dating male-dominated government security agency gaya ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa pagdiriwang ng National Women’s Month Celebration 2024, kasunod ng simultaneous flag-raising and kick-off ceremony kahapon sa kanilang mga punong himpilan.

LtGen Arthur Cordura, the Vice Chief of Staff AFP, and Col Arlene Frage, Chief of the AFP Gender and Development Office, guide BGen Charito Plaza (Res) at the photo exhibition in line with the National Women’s Month Celebration on March 4 in Camp Aguinaldo, Quezon City.

Inihanda ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang serye ng mga aktibidad kaugnay sa tema ngayong taon na, “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan.”

Tampok dito ang inilunsad na exhibit na tinawag na, “HERStory of Women, Peace, and Security in the AFP” na naglalarawan ng iba’t- ibang milestones sa women empowerment at gender equality programs sa military.


Isang fun run na nagsusulong para sa welfare, equity and efficiency sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) an itinakda sa March 23, habang isang Senior Leader’s Forum on GAD ang magsisilbing platform para sa closing ceremony ng month-long celebration sa April 2.

“Over the course of time, the AFP has been a strong supporter of gender and equality, as proven in the pursuit and execution of the AFP Gender and Development. Further, the AFP has made concrete actions in implementing gender-responsive policies to address inequality,” pahayag ni LtGen Arthur Cordura, AFP Vice Chief of Staff.


Handa rin ang Philippine National Police (PNP) para sa Women’s Month celebration ngayong buwan ng Marso.

Ayon kay PNP Women and Children Protection Center Director Brig. Gen. Portia Manalad, isinagawa kahapon ang kick-off ng mga programa ng PNP para sa mga kababaihan.


Kabilang rito ang ilang internal program na hawak ng DPCR at pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga kaso na nasa ilalim ng kanilang tanggapan.

Layon aniya nito na masiguro na napoprotektahan ang lahat ng kababaihan sa bansa hindi lamang ngayong buwan ng kababaihan kundi sa lahat ng oras o pagkakataon.

Giit ng opisyal, kailangang matutukan at masawata ang mga kaso ng pang aabuso sa mga kababaihan gaya ng rape, paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and Children at acts of lasciviousness at iba pa.

Tags: Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police

You May Also Like

Most Read