AFP AT PNP, NAKA-ALERTO SA POSIBLENG EPEKTO NG SUPER TYPHOON ‘HENRY’ SA HILAGANG LUZON

INALERTO na ng pamahalaan ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police sa posibleng magiging epekto ng Super Typhoon Henry na maaaring palakasin po ng Low pressure Area na dating Bagyong Gardo.

Inalerto ni Northern Luzon Command chief Ltgen Ernesto Torres ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng mga kaukulang paghahanda sakaling manalasa ng husto ang Bagyong Henry.


Nabatid na nauna ng inatasan ang mga tauhan ng militar na magsagawa ng mga paghahanda at repositioning ng kanilang mga asset kung kinakailangan para sa mga posibleng paglulunsad ng humanitarian Assistance at disaster response operation.

Tiniyak din ng pamunuan ng PNP ang kahandaan ng kanilang hanay sa Super Typhoon Henry at sa isa pang low pressure area (LPA) na kapwa nasa loob ng Philippine Area of Responsibility .

Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., inatasan na niya ang mga police regional office na maghanda sa epekto ng sama ng panahon.


Sa katunayan, nakipagpulong na ang PNP chief sa kanyang command group at mga matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya.

Bilin nito, mahigpit dapat ang pakikipag-ugnayan ng mga Local Government Unit (LGU) at mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO).


Inalerto ni Gen Azurin ang kapulisan na ipatupad ang ‘Kaligtasan Niyo, Sagot Ko’ mantra ng PNP na gumagarantiya sa kapulisan bilang mga frontliner sa pagseserbisyo lalo na sa panahon ng kalamidad.

Sa ibinabang weather bulletin ng PAGSA kahapon ng tanghali ay bahagya pang lumakas ang Super Typhoon Henry habang kumikilos sa direksyon na timog-timog-kanluran patungo sa Batanes.


Base sa 11am update ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa distansiyang 430 kilometers silangan-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometro kada oras, taglay ang lakas ng hangin na 195 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na 240 kilometro kada oras.

Wala pa rin itinaas ang Pagasa na tropical cyclone wind signal, bagamat makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Batanes.



Henry may become almost stationary and wind signal no. 2 could be raised over the Batanes area on Thursday, ani PAGASA weather specialist Raymond Ordinario. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police

You May Also Like

Most Read