AFP AT PNP, NAKA-ALERTO SA CPP-NPA 54th ANNIVERSARY

NAKAALERTO ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) at maging ang Armed Forces of the Philippine (AFP) kaugnay ng ika-54 na anibersaryo ng teroristang grupong New People’s Army ngayon.

Ayon sa pamunuan ng PNP at AFP inalerto nila ang kanilang mga tauhan lalo na sa kanayunan sa posibilidad na tangkain ng communist terrorist group na patingkarin ang kanilang ika-54 taon sa pamamagitan ng mga pataksil na pananalakay o pagsasagawa ng opensibang guerilla.


Inihayag ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin, Jr. na naglabas na siya ng direktiba sa lahat ng PNP units sa buong bansa para maging alerto sa posibilidad ng pag-atake ng NPA.

Bunsod ng sunod- sunod na pagkalupig ng armadong kilusan, maaari umanong magpakitang-gilas ang rebeldeng grupo sa pamamagitan ng paghahasik ng takot at palabasing malakas pa ang kanilang pwersa na sa katunayan aniya ay iilan na lamang ang mga kasapi nito, ani Azurin .

Partikular na tinututukan ng pinagsanib- pwersang PNP at AFP ang Masbate na kailan lang ay binulabog ng NPA.


Kinumpirma ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar na nakipag ugnayan na ang Philippine Army’s 9th Infantry Division sa PNP para mapigilan na makapagsagawa pa ng terrorist activities ang mga rebeldeng NPA sa lalawigan.

“The situation there [Masbate] is improving kasi ‘yung ating (because our) 2IB under 9ID is closely coordinating with the PNP para sa visibility patrols, at the same time, ito rin ay coordinated sa DepEd,” ani Aguilar.


Nabatid na pinaigting ng AFP ang presensiya nito sa Masbate kasunod ng serye ng sagupaan sa pagitan ng government security forces at mga rebelde.

Samantala, ngayong araw ay makikipag-dayalogo naman ang “Kilusan ng Pagwawasto sa Kasaysayan” na binubuo ng mga dating pinuno ng makakaliwang hanay sa Commission on Human Rights at magsasagawa ng Grand Mobilization Peace Really sa pagdiriwang ng NPA Anniversary.


Gaganapin ang Grand Mobilization Peace Rally sa Plaza Miranda na may Temang: “Itakwil at Labanan ang 54-taong Kataksilan at Ilantad ang Panlilinlang ng Teroristang CPP-NPA-NDF! WAKASAN ANG ARMADONG TERORISMO!”

Kabilang sa bumubuo ng Kilusan ng Pagwawasto sa Kasaysayan sina Bishop Nilo Tayag – Founding Secretary General of the Central Committee of the Communist Party of the Philippines (CPP); Peter Mutuc – First Quarter Storm Organizer, Head Convenor of the Kilusan ng Pagwawasto sa Kasaysayan; Tess Veluz – First Quarter Storm Member, former CPP-NPA-NDF Financial, Liaison and Political officer; Pete Arce – Former Political Guide of NPA Platoon Hiragana Larangan Philip Ycasiano – 1978 CPP’s District 4 (Makati, Pasay, Parañaque, Muntinlupa and Las pinas) Party Group Operator and Organizer, former Metro Manila and Rizal Regional United Front Commissioner Member ; . Alex Arellano – Former Leading Trade Union Cadre under the CPP National Trade Union Bureau, former Member of the Central Luzon Regional Party Committee (CLRPC) at mga kasapi ng SAMBAYANAN. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)



Tags: Armed Forces of the Philippine (AFP), Philippine National Police (PNP)

You May Also Like