AGAD na nagpatupad ng security adjustment ang Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police sa Sultan Kudarat kasunod na naganap na pagpapasabog sa isang unit ng Yellow Bus Line kamakakawa.
Ito ang inihayag ni AFP chief of Staff General Bartolome VO Bacarro kasunod ng ginanap na formal opening ng AFP Joint Exercise (AJEX) “DAGIT-PA” sa Camp Emilio Aguinaldo sa Quezon City.
Samanta . Bumuo naan ang PNP ng isang special investigation task group na tututok sa nangyaring pagpapasabog sa oassener bus ng Yellow Bus Lines Inc., sa Purok Duranta, Barangay Poblacion, Tacurong City.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, layon ng task force na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa nangyaring pag-atake kung saan 1 ang napaulat na nasawi habang 11 naman ang sugatan.
Sinabi pa ni Col. Fajardo na mayroon na rin silang persons of interest.
Extortion ang isa sa mga nakikitang dahilan sa pagpapasabog sa YBL na ilang bses ng naging biktima ng mg hinihinalang terrorist group or lawless elements
“Sa ngayon hindi pa po namin maibigay sa inyo ang kumpletong detalye kung anong grupong ito sapagkat tinitingnan pa po namin dito yung modus operandi na ginamit nila,” ayon kay PCol. Rogelio Raymundo Jr. ng Police Regional Office 12.
Kasalukuyan naman inaalam ng Philippine Army explosive and ordnance unit kung anong uri ng improvised explosive devise ang ginamit or kaninong signature bomb ang pinasabog.
Naatid na noong isang buwan nag-umpisa ang tangkang pangingikil sa Yellow Bus Line. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)