AFP AT DND UMALMA SA INNUENDO SEC VIC RODRIGUEZ 10 POINT AGENDA NG DND INA-ANTABAYANAN SA SONA NI PBBM

INAANTABAYANAN ngayon ng Department of National Defense at maging ng Armed Forces of the Philippine kung mababanggit sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ang kanilang inilatag na 10- point agenda na sadyang iniakma sa mga programang inilatag ng bagong administrasyon.

Ayon kay DND Officer in Charge Senior Undersecretary Jose Faustino, hindi lamang tungkol sa peace and order at pagtapos sa insurgency at maritime security ang binalangkas na 10-point agenda ng Defense Department dahil sumusuporta din ito sa isinusulong na food security , economic security at human security ng bansa.


Mariing ipinahayag ni Defense OIC Faustino na buong-buo ang suporta ng kagawaran at ng buong AFP sa mga programa ni PBBM sa Department of Agriculture at katunayan ay susuportahan nila nang todo ang kampanya ng pangulong BBM kontra agricultural smuggling .

Samantala, nilinaw ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa na sila ay propesyonal na organisasyon na nakatuon sa kanilang mandato na tiyakin ang pagtatanggol sa bansa at seguridad ng mamamayang Pilipino.

“Kami, ang inyong mga lingkod-bayan — kasama ang inyong mga sundalo, airmen, sailors and marines at ang sibilyang human resource ng Armed Forces of the Philippines — ay responsable sa bawat aspeto ng aming trabaho”, ayon sa pahayag na inilabas ni Director Arsenio Andolong ng DND-PAS.


Una rito ay inihayag ni Faustino na “ang mahalaga, buong-buo nating sinusuportahan ang pamumuno ng Kanyang Kagalang-galang na Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. at ang kanyang pananaw sa isang mas malakas at mas mabuting Pilipinas sa pamamagitan ng pambansang pagkakaisa, pagbuo ng bansa at pagbangon ng ekonomiya”.

“Moreso, anumang pagtatangka na hatiin tayo bilang isang bansa sa pamamagitan ng malisyosong mga paratang ay pagsumpa sa ating kolektibong adhikain para sa isang matatag at progresibong Pilipinas. Bilang isang marangal na tao, dapat nating protektahan ang ating integridad sa lipunan. Kaya naman, magalang kong hinihimok ang bawat Pilipino na magkaisa sa likod ng pamumuno ng ating bansa,” dagdag pa nito.


“Importantly, we fully support the leadership of His Excellency President Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. and his vision of a stronger and better Philippines through national unity, nation-building and economic recovery. Your Defense Department is cognizant of the need for cohesiveness as a people to achieve our desired goal. Hence, the recent innuendos against the Honorable Executive Secretary Victor Rodriguez, or against any person for that matter, is an assault to his honor,” ani Faustino. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: SEC VIC RODRIGUEZ

You May Also Like

Most Read