Latest News

AFP AT ADF SUMABAK SA JOINT TRAINING

By: Victor Baldemor Ruiz

SUMASABAK ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Australian Defence Force (ADF) sa sabayang pagsasanay para malinang ang kanilang kasanayan at mapagsikapan na mapanatili ang kapayapaan sa Indo-Pacific.

Kasalukuyang isinasagawa na ang serye ng sabayang pagsasanay militar para sa kauna-unahang Philippines-Australia (PH-Aus) Exercise Alon 2023 sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Australian Defence Force (ADF).

Sa kicked off ng naturang military exercise, nagsagawa ng opening ceremony sa flight dech ng His/Her Majesty’s Australian Ship (HMAS) Canberra sa Darwin, Australia.


Dinaluhan ito ng matataas na opisyal mula sa AFP at ADF kabilang sina Lt. Col. Noel Gallaza, commander ng AFP’s Amphibious Landing Force; Air Commander Tony McCormack, commander ng Indo-Pacific Endeavor 2023 (IPE23); Capt. Phillipa Hay, commander ng Royal Australian Navy’s (RAN) Amphibious Task Force; Col. Doug Pashley, commander ng RAN’s Landing Forces; Capt Brendan O’Hara, commanding officer ng HMAS Canberra; at Cmdr. Barton Harrington, commanding officer ng HMAS Anzac.

Present din si Col. Brendan Sullivan, commanding officer ng United States Marine Corps’ Marine Rotational Force – Darwin.

Kabilang sa military exercise ang iba’t ibang mga barko at sasakyang panghimpapawid mula sa AFP at ADF at mahigit 2,000 military personnel.

Mayroon ding 150 participants mula sa US Marines MRF-D na nagsisilbing support forces kasama ang kanilang air assets at sasama sa Amphibious force ng Australia.


Mula Australia, ay naglalayag ang mga kalahok sa military exercise patungo sa Pilipinas kung saan isinasagawa ang iba’t ibang field training exercises sa training locations sa Northern Luzon Command na nakabase sa Tarlac city at Western Command na nakabase sa Palawan.

Ang Exercise Alon ay ang kauna-unahang amphibious military exercise sa pagitan ng AFP at Australian Defense Force na magtatagal hanggang sa Agosto 31.

Pangunahing layunin nito na makapagbigay pa ang interoperability at kahandaan sa security challenges at magiging lugar din para sa shared commitment ng dalawang pwersa tungo sa mapayapa, masagana at matatag na Indo-Pacific region.

Sa pamamagitan din nito, maisasanay nila ang karapatan sa rehiyon sa ilalim ng international law para sa kalayaan sa paglalayag at overflight sa West Philippine Sea.


Samantala una ng iginiit Department of National Defense (DND) na mahalagang factor ang mature defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa paglipat nito tungo sa external defense operations.

Ginawa ng ahensiya ang naturang pahayag kasunod ng pagkikita nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr at Australian Ambassador to the Philippines Hae Kyong Yu sa Camp Aguinaldo sa Quezon city kung saan natalakay ang bilateral cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

Dito, napag-usapan ang ilang bilateral activities na nagpatibay sa malalim na pagkakaibigan ng dalawang bansa at nagpalitan ng mga objectives sa pagtataguyod ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Tags: Armed Forces of the Philippines (AFP), Australian Defence Force (ADF)

You May Also Like

Most Read