Latest News

ADUANA NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA NASABAT NA P28.7-M ASUKAL

By: Victor Baldemor Ruiz

PINANGUNAHAN mismo ni Bureau of Customs chief Commissioner Bienvenido Rubio ang pagsusuri sa nasabat na tone- toneladang ‘misdeclared refined sugar’ na nasabat sa Port of Subic.

Nagsagawa ng inspeksyon ang pamunuan ng Aduana Port of Subic kaugnay sa 14 na 20-foot container vans ng misdeclared sugar products mula Vietnam na may estimated value na aabot sa P28,728,000 na pinigil ng mga tauhan ng BOC dahil sa mga paglabag sa customs regulations at mga kaukulang legal provisions.

Napag-alaman na ang shipment, ay idineklarang “Sweet Mixed Powder” na nagmula sa Dong Nai Province, Vietnam. Minarkahan ito ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) – Port of Subic dahil sa posibilidad na misdeclaration at regulatory non-compliance ng ipinapasok na kontrabando.


Lumitaw sa laboratory analysis na isinagawa matapos ang physical inspection at sa pakikipag tulungan sa Sugar Regulatory Administration (SRA), na napatunayang ang sucrose content ng mga kinuhang samples ay lagpas 65%, kaya kinaklasipika ang nasabing shipment bila refined sugar, taliwas sa idineklarang description.

“These findings constitute violations of SRA Sugar Order No. 7, S. 2003–2004; SRA and BOC Joint Memorandum Order No. 04-2002; and Sections 1400 and 1113 (f)(k) 1, 4, and 5 of Republic Act No. 10863, or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), and Sec. 7 (a) and (e) of the Anti-Agricultural Sabotage Act,” ayon sa opisyal ng Aduana.


Ito ang dahilan ni District Collector Marlon Fritz Broto, MNSA, para mag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa kontrabando na kanilang pinigil noong March 28, 2025. Ang nasabing shipments ay kasalukuyang ngayong sumasailalim sa forfeiture proceedings.

Ayon kay Commissioner Rubio, ang nasabing mga hakbangin ng Aduana ay pagtalima sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. na tiyakin ang food security, panatilihin ang trade integrity at labanan ang agricultural smuggling.


“This seizure demonstrates our firm resolve to prevent the entry of misdeclared and unregulated goods. We remain aligned with the President’s call to protect consumers, support legitimate businesses, and safeguard the nation’s agricultural interests through strengthened inter-agency cooperation,”ani Rubio.

Ayon naman kay District Collector Broto: “Through stringent inspections and decisive enforcement actions, the Port of Subic continues to fulfill its duty to secure our borders and maintain the integrity of lawful trade. We thank the SRA for its steadfast support in this operation.”

Tags: Bureau of Customs chief Commissioner Bienvenido Rubio

You May Also Like

Most Read