Nagsisimula nang maagnas ang bangkay ng isang 59-anyos na Administrative Officer ng Department of Environment and Natural Resources-Mimaropa nang madiskubre kamakalawa ng umaga sa loob ng tinutuluyan nitong bahay sa Sta.Ana,Maynila.
Kinilala ni PSMG John Kevin Zuniga ng Manila Police District-homicide section ang biktimang si Dennis Valdez, ng 2378 Pasig Line St., Sta. .Ana, Maynila.
Ayon sa imbestigasyon, alas-11 ng umaga nang madiskubre ang bangkay nang pumunta sa kanyang bahay ang kasamahan sa trabaho na si Mark Joseph Melchor, 35, ng Pandacan,Maynila .
Nabatid na hindi umano pumasok ang biktima at hindi rin umano nito sinasagot ang mga tawag sa cellphone kaya ipinasiya ni Melchor na puntahan ang biktima at alamin ang kanyang kalagayan.
Puwersahan umanong binuksan ang pintuan ng bahay ng biktima.at dito tumambad ang wala nang buhay na biktima.
Napag-alaman na may sakit sa puso ang biktima kaya hinala ng puisya na inatake ito. (Philip Reyes)