Latest News

Accounting officer, arestado sa’theft’

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District-Warrant Section,ang isang accounting officer sangkot sa 9 counts ng qualified theft,kamakalawa ng gabi sa Aguinaldo Highway Corner Tirona Highway Bacoor, Cavite.

Bitbit ang warrant of arrest inisyu ni Presiding Judge Marvic Balisi-Umali nang maaresto ang suspek na si Nikka Mae Capulong,alas 9:30 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Inirekomenda ng korte ang P314,000 para sa pansamantalang kalayaan ni Umali.


Nalaman na si Umali ay nasa Top 3 Most Wantwd Person sa Station level.

Kasalukuyang nakadetine sa MPD-Police Station 11ang suspek.

Tags:

You May Also Like

Most Read