Latest News

Accounting clerk, laglag sa estafa

Dinakip mismo sa loob ng kanyang pinagta-trabahuhan na First Unity Textile company ang isang accounting clerk na wanted sa kasong estafa, kamakalawa ng hapon sa 168 Quirino Hi-way, Baesa, Quezon City.

Kinilala ni PMAJ Cicero Pura, Assistant Chief, Manila Police District (MPD) DSOU, ang suspek na si Claro Ferrer, 44 , accounting clerk at residente ng no. 16 D – Nay Isa St , Project 4, Quezon City.

Ang suspek ay inaresto,alas-.3:30 ng hapon sa nabanggit na lugar sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) at sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong estafa na inisyu ni Presiding Judge Erlinda Nicolas-Alvaro ng Las Piñas RTCBranch 198.

Inirekomenda ng korte ang P16,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Si Ferrer ay nasa ’15 Most Wanted Person’ sa District Level. (Arsenio Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read