Latest News

ABU SAYYAF GROUP TOP LEADER NAPASLANG NG MILITARY

MATAGUMPAY na na-neutralize ng Philippine Army ang Abu Sayyaf Group top leader kasunod ng naganap na sagupaan sa Sumisip, Basilan nitong nakalipas na lingo.

Kinumpirma ni Brig. Gen. Domingo Gobway, Joint Task Force Basilan Commander ang pagkakapatay kay Radzmil Jannatul ASG top personality at sinasabing top leader ng grupo.

Si Radzmil Jannatul, a.k.a. Khubayb ay napatay ng mga tauhan ng Army 5th Scout Ranger Battalion nang masanga ang kanilang landas habang nagsasagawa ng combat operations ang mga tauhan ng Philippine Army sa Sitio Center, Barangay Baiwas, Sumisip.


Agad na nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo na tumagal ng ilang minuto bago nagpasyang tumakas ang mga terorista at iwan na ang kanyang namatay na pinuno.

Sinasabing si Jannatul ay notorious Basilan-based ASG sub-leader na siyang pumalit kay Furuji Indama bilang mataas na pinuno ng ASG nuong 2020.


Samantala inutos ni Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., Commander ng Western Mindanao Command na huwag lubayan ng mga tauhan ng 64th Infantry Battalion ang pagtugis sa mga tumatakas na kalaban ng at maglagay ng mga blockades na posibleng lusutan ng mga kalaban. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Abu Sayyaf Group

You May Also Like

Most Read