Latest News

Abogado ni Vhong, tiwalang makakalaya ang aktor

Tiwala ang abogado ng TV host na si Vhong Navarro na makakakalaya ito sa lalong madaling panahon.

Kasabay nito, sinabi ni Atty. Alma Mallonga na mananatili sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Navarro.


Nabatid na si Navarro ay sumuko sa NBI matapos na mag-isyu ng warrant laban sa kanya si Taguig MTC Branch 116 Judge Angela Francesca Din kaugnay ng kasong acts of lasciviousness na isinampa ng modelo na si Deniece Cornejo.
Nabatid na sa kasong act of lasciviousness ay may piyansa si Navarro na P36,000.

‘I don’t think there will be a problem because we have completed all the prerequisites. We are going to comply with it within the day. We are confident that Mr. Navarro will be granted bail.’ ani Mallonga .

Napag-alaman na una nang binaligtad ng Court of Appeals (CA) 14th Division ang desisyon ng Department of Justice (DoJ) noong 2018 at 2020 na nag-dismiss sa kasong rape at acts of lasciviousness isinampa ni Cornejo.


Una nang ibinasura ng DOJ ang reklamo dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Sa affidavit ni Cornejo, inakusahan niya si Navarro ng paghalay sa kanya noong Enero 17 ,2014


Sa desisyon ng CA,inatasan nito ang Taguig City Prosecutor na isampa ang kasong rape by sexual intercourse at acts of lasciviousness laban sa aktor.

Samamtala,sinabi naman ni Navarro na siya ay inatake at biktima ng extortion ni Cornejo, Cedric Lee at iba pa nitong kasamahan. (Arsenio Tan)


Tags: Atty. Alma Mallonga, Vhong Navarro

You May Also Like

Most Read