Latest News

Abogado, nagoyo ng P9. 9 milyon ng syota sa FB; suspek, dinakip

By: Baby Cuevas

Arestado sa mga ahente ng National Bureau of Investigation – Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang isang babae na nanggoyo ng halagang P9. 9 milyon sa isang abogado na nakilala at naging syota niya sa Facebook.

Nasa kustodiya ng NBI-AOTCD ang suspek na si Marielle Cruz Padel,alyas Lyka Cruz Padel.

Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek makaraang magreklamo sa NBI ang abogado na hindi na pinangalanan na nagoyo umano ng suspek kamakailan sa Quezon City.

Ayon sa biktima, nakilala niya ang suspek sa Facebook, naging kasintahan at makalipas ang ilang pagtatalik , sinabi ng suspek na nabuntis siya ng abogado na tinanggap naman nito.

Gayunman, makalipas ang ilang araw ay nakatanggap ang abogado ng ‘message’ mula sa isang ‘Lyka’ at sinabing namatay ang kanyang kakambal matapos na magpalaglag.

Sinisi pa ang abogado sa nangyari sa kanyang kakambal at nagbanta na sisirain ang kanyang pamilya at reputasyon kapag hindi nagbigay ng pera.

Sanhi nito, nagpadala ng pera ang abogado kay ‘Lyka’ sa maraming pagkakataon na umabot sa P9. 9 milyon lahat.

Gayunman, natuklasan ng biktima na si Lyka at Marielle ay iisang tao lamang .

Nitong Abril 26 ay muling humingi ng pera sa kanya si Lyka na halagang P61, 000 bilang kabayaran umano sa doktor na nag-abort kay Marielle at para pambayad sa upa nito ng bahay.

Pumayag naman ang biktima at nagkasundo sila na magkita sa Isang mall sa Quezon City pero lingid sa kaalaman ng suspek ay nagtungo sa NBI-AOTCD ang biktima at pinlano ang entrapment operation.

Kaagad na dinampot si Lyka nang iabot ng biktima ang pera na hiningi nito.

Samantala, sinampahan ng kasong estafa at robbery-extortionang suspek sa Quezon City Prosecuto’rs Office.

Tags:

You May Also Like

Most Read