Latest News

ABOGADO, PINAMUMULTA NG SC SA ‘SPONSORED’ TRIP NG IBP OFFICERS

By: JANTZEN ALVIN

Isang abogado at anim na opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Central Luzon na napatunayang ‘guilty’ sa kasong simple misconduct sa ilalim ng Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA) ang pinagmulta ng Supreme Court.


Sa inilabas naruling ng SC en banc na isinulat ni Associate Justice Samuel Gaerlan, pinatawan nito ng P100,000 multa si Atty.Nilo Divina, miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Tarlac Chapter nangisponsoran umano ang ‘trip’ ng mga opisyal ng (IBP)-Central Luzon.

Diumano ay nakatanggap ng anonymous letter ang SC at isinumbong na si Divina ay sangkot sa iligal na pangangampanya dahil bahagi ng kanyang plano na maihalal bilang IBP-Central Luzon Governor.

Ayon sa liham, si Divina umano ang gumastos sa mga trip ng IBP-Central Luzon officers sa Balesin Island Club noong 2022 at Bali, Indonesia noong 2023, kung saan pinagkalooban pa sila ng cash at gift check na may kabuuang daan-daang libong piso.


Napatunayan ng korte na si Divina ay nakagawa ng hindi nararapat sa pag-sponsor sa trips ng IBP-Central Luzon Officers na paglabag sa Canon II, Sections 1 and 2 of the CPRA.

Ang nabanggit na regalo ni Divina ay may obligasyon at kabayaran mula sa mga recipient sa hinaharap, ayon pa sa korte.


Samantala ay hindi naman napatunayan ng en banc na nakagawa ng paglabag si Divina na may kinalaman sa IBP elections sa ilalim ng Section 14 ng Revised IBP By-Laws, kaya ipinatutuloy ng en banc ang election ng IBP para sa terminong 2023- 2025.

Kasama rin sa mga IBP Central Luzon officers na pinagmulta ng SC ng tig- P100,000 sina Atty. Peter Paul S. Maglalang, Governor ng IBPCentral Luzon (2021-2023); Atty. Winston M. Ginez , President ng IBPZambales Chapter (2021-2023); Atty. Jocelyn M. Clemente , Auditor ng IBP-Tarlac Chapter (2021-2023) at Attys. Jade Paulo T. Molo, Enrique V. Dela Cruz, Jr. at Jose I. Dela Rama, Jr.


Tags: Integrated Bar of the Philippines (IBP)

You May Also Like