Iniutos ng Supreme Court (SC) na alisin ang pangalan sa Roll of Attorney,ang isang abogado na dinisbar matapos na magpasikat sa kanyang kliyente na kaya niyang suhulan ang mga Mahistrado ng Court of Appeals (CA) para mapalaya ang anak nito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa inilabas na desisyon ng SC Court En Banc na isinulat ni Associate Justice Japar Dimaampao,kinilala ang dinisbar na si Atty.William Delos Santos matapos na ireklamo ng kanyang.kliyente na si Norma Flores.
Napag-alaman na nahatulan ng Manila RTC ,Branch 23 dahil sa kasong iligal na droga ang anak ni Flores na si Mark noong 2015 kaya iniapela ang kaso sa CA kung saan kihuha ni Flores ang serbisyong legal ni Delos Santos, na sumingil sa kanya ng P20,000 bilang acceptance fee at karagdagang P5,000 bilang kabayaran ng hinihinging dokumento.
Noong 2015,hiniling ni Delos Santos kay Flores na mag-produce ng P160,000 na gagamitin.pansuhol sa mga mahistrado mg 15th Division kung saan nakabinbin ang kaso ni Mark.
Sa paniniwala kay Delos Santos na maabsuwelto ang kanyang anak sa kaso nanghiram siya ng pera sa mga kaibigan at kaanak kung saan ang pera ay idineposito niya sa Banco de Oro sa savings account ng misis ni Delos Santos.
Gayunman,nadismaya si Flores dahil pinagtibay ng CA 15th division ang hatol ng Manila RTC sa kanyang anak at nang tawagqn si Delos Santos, ,sinabi nito na hindi niya alam ang nangyari at iginiit na ibinigay ang pera sa nag-ayos ng kaso sa CA.
Nangako rin si Delos Santos na ibabalik ang P160,000 kay Flores pero nabigo ito na maibalik ang pera kaya inireklamo siya sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Sa kabila ng mga notice,hindi dumalo si Delos Santos sa mandatory conference at hindi rin nagsumite ng.kanyang pleadings.
Bukod sa nabanggit na reklamo,nalaman ng SC na may nakalipas na suspension ito sa pagpa- praktis ng abogasya dahil sa isang kasong serious misconduct at violations of Canon 1, Rule 1.01 and Canon 7, Rule 7.03 of the Code of Professional Responsibility dahilan para siya tuluyang idisbar.
Inatasan rin ng SC si Delos Santos na ibalik ka Flores ang P160,000 na may interes na 6% kada taon.














