Itiniwalag ng Supreme Court (SC) sa “roll of attorneys ” ang isang abogado na nangako sa kanyang kliyente ng paborableng desisyon para sa kasong annulment.
Sa per curiam Decision ng SC,inatasan rin si Atty. Ronaldo P. Salvado na ibalik sa complainant na si Roger D. Asuncion,ang halagang P420,000, na.may 6% per annum na ibinigay kay Salvado.
Si Salvado ay napatunayan guilty sa paglabag sa Code of Professional Responsibility (CPR) at sa Lawyer Oath na kanyang sinumpaan.
Ayon sa SC sa simula pa lamang ay alam na ni Salvado na imposibleng maibaba sa loob ng 2 buwan ang.desisyon para sa annulment petition.
Nabatid na noong 2013 kinuha ng complainant ang legal na serbisyo ni Salvado kung saan siningil siya ng 700,000 para sa kanyang ina na si Feliza na gusto ipawalang bisa ang kasal sa isang Julio Asuncion.
Inamin naman ni Salvado na ang mga text messages na ebidensiya ni Asuncion ay bahagi ng kanilang usapan.
Nabigo si Salvado na maibalik ang pera ni Asuncion nang hindi nag mayerialize ang kanilang kasunduan kaya nagreklamo sa korte si Asuncion.
Nalaman na si Salvado ay una nang naparusahan ng SC sa kanyang unang disbarment case kung saan sinuspinde siya ng dalawang taon para magsanay ng abogasya dahil sa paglabag sa Rule 1.01, Canon 1 at Rule 7.03 ng CPR matapos na mag isyu ng talbog na checks
Binalaan na rin ng SC na kapag muling gumawa ng kalokohan si Salbado ay.maaring.maging sanhi na ito ng kanyang disbarment.
Ayon sa SC ang mga katulad ni Salvado ay walang puwang sa hudikatura. (Jaymel Manuel)