Abogado de areglo dinisbar ng SC

ISA na namang abogado ang dinisbar ng Supreme Court (SC) matapos umanong makapanghingi ng may P13.3 milyon sa kanyang kliyente para ipang-areglo diumano sa mga prosecutors na humahawak sa kaso.

Kaagad na ipinatatanggal ng SC sa roll of attorneys si Atty Carlo Marco Bautista matapos ang SC En Banc Session noong Pebrero 21,2023 dahil sa kasong paglabag sa Code of Professional Reaponsibility(CPR) .


Ito ay matapos niyang tumanggap ng pera sa kanyang kliyente kapalit ng pangako na mabibigyan ng pabor na desisyon sa kanyang kasong kriminal na nakabinbin sa Makati Prosecutor’s Office.

Ang pag-disbar kay Bautista ay nag-ugat sa kasong administratibo na inihain sa
Integrated Bar of the Philippines – Commission on Bar Discipline (IBP-CBD) ni Anthony O. Lim na kumuha ng serbisyo ni Bautista.

Si Bautista ang humawak sa kaso ng ama ni Lim na nakabinbin sa Makati Prosecutor’s Office kung saan umaktong fixer si Bautista na humingi ng pera kay Lim para maimpluwensiyahan ang desisyon ng prosecutors.


Sa kabila nang paulit-ulit na pagbibigay ng checks ni Lim kay Bautista para sa pabor na desisyon ay natalo pa rin ang kanyang ama sa kaso.

Inirekomenda ng IBP-CBD na madisbar ai Bautista matapos mapatunayang guilty sa Canons 1, 15 hanggang 20 ng CPR at sa Lawyer’s Oath dahil sa kanyang unlawful, dishonest, at deceitful conduct. (Arsenio Tan)


Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like