OPISYAL nang nanumpa ang kilalang abogado at media personality na si Atty. Ferdinand Topacio bilang national deputy spokesman ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP).
Siya ay pinanumpa ni PDP Chairman Alfonso Cusi sa PDP Headquarters sa Sta. Mesa, Maynila Miyerkules ng hapon, kung saan personal na pinangunahan ni Cusi ang matataas na opisyal ng PDP sa pamumuno ni NCR secretary-general, Manila president and education committee chair Penny Belmonte, upang mainit na tanggapin si Topacio sa partido.

Ani Cusi, matagal nang ginagampanan ni Topacio ang nasabing posisyon bago pa man siya pormal na mapanumpa ng partido sa tungkulin. Napag-alamang nanumpa na noong araw si Topacio bagama’t bilang miyembro pa lamang ng PDP.
“We officially welcome him to the PDP. He has been doing his work more than as a deputy… it’s an honor to do this,” ani Cusi, bago niya pinanumpa si Topacio at gawaran ng official party pin.
Bilang tugon ay sinabi ni Topacio: “I am he is very happy to serve the PDP without any expectation of recompense… without any quid pro quo. Maglilingkod lang po tayo nang walang kapalit.”
“These are difficul times for the opposition,” ani Topacio, sabay banggit na sinampahan siya ng kaso pati na din si Jimmy Bondoc, na isa ring abogadong miyembro ng PDP.
Tiniyak din ni Topacio na kanyang gagampanan ang kanyang tungkulin sa abot ng kanyang makakaya.
Bukod sa pagiging abogado na humawak at nakapagpanalo na ng malalaking kaso, si Topacio ay isa ring film producer at miyembro ng print at broadcast media.














