Abogada, dinakip

Hinuli ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 14 ang Isang 56-anyos na abogadang wanted sa kasong estafa,kamakalawa ng gabi sa Tayuman corner Tomas Mapua Streets sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakadetine sa nabanggit na istasyon ng pulisya,ang suspek na nakilalang si Imelda Aure , private counsel, ng No. 1812 Yakal St. Corner Villaruel St. Tondo, Maynila.


Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong estafa sa ilalim ng Art. 315 Par. 2(A) of the Revised Penal Code na inisyu ni Presiding Judge Dolly Rose Ranoco Bolante -Prado ng Quezon City RTC Br 306 na may petsang Enero 31,2023.

Inirekomenda rin ng korte ang P120,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Tags: Manila Police District-Police Station 14

You May Also Like

Most Read