ABALOS: PEACE AND ORDER SAGOT SA PAG-UNLAD

By: Victor Baldemor Ruiz

“Economic development is always intertwined with peace and order.”

Ito ang pahayag ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. kahapon matapos ang ginawa niyang pagbisita sa lalawigan ng Negros Oriental na niyanig ng insidente ng pamamaslang sa kanilang punong panlalawigan na ikinamatay ng sampung katao.


Binigyang din ni SILG Abalos sa harap ng mga LGU’s official at mga opisyales ng Philippine National Police (PNP) at iba pang sektor sa Negros Oriental ang kahalagahan ng peace and order sa pagpapalago ng ekonomiya at pag-unlad ng probinsya .

Sinabi pa ni Atty Abalos, kailangan magtulungan ang PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), ang local government units (LGUs) at ang publiko para sa maayos na peace and order situation at para sa ekonomiya ng probinsya matapos ang trahedyang nangyari noong Marso ng pinaslang si Governor Degamo.

Sinasabing naging mabilis ang normalization sa lalawigan kasabay ng gumagandang peace and order situation dahil sa mga pagsisikap ng law enforcement authorities at patuloy na bumababa ang bilang ng crime incidents sa probinsya ayon sa mga datos ng PNP.


“Marami nang nangyari. Ang importante, we should look forward and take control of the situation. We owe it to our province and the people of Negros,” saad niya.


Tags: Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.

You May Also Like