Umakyat na sa 904 PNP senior officers o 95 percent ang tumugon sa panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos na maghain ng kanilang courtesy resignation.
Ang nasabing bilang ay mula sa kabuuang 954 na mga colonel at general ng Philippine National Police (PNP) na hiningi maghain ng kanilang pagbibitiw
Ayon kay DILG Secretary Abalos, nasa 50 pa ang hinihintay nilang magsumite ng kanilang ‘courtesy resignation’ hanggang Jan 31, 2023.
Aniya, sasalang sa ‘vetting process’ ng five-man committee ang courtesy resignation ng mga opisyal para magkaalaman kung sino talaga ang malinis sa hanay ng kapulisan at kung sino-sino ang mga tiwali o dawit sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa.
Tumangging kumpirmahun ni Abalos na kabilang si dating Senador Panfilo Lacson sa binuong five-man panel. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)