May 949 persons deprived of liberty (PDL) ang pinalaya mula sa iba’t-ibang bilangguan at penal farms.
Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), umaabot na sa may 6,000 PDLs ang pinalaya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos. Jr.
Tiniyak naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na dumalo sa culminating activity na bibilisan pa ang pagpapalaya sa mga PDLs na dapat nang palayain .
Nabatid sa Bucor na 486 PDLs ang mula sa maximum, medium and minimum compound ng New Bilibid Prison (NBP) gayundin sa NBP Reception and Diagnostic Center.
Sinundan pa ito ng 177 PDLs mula sa Davao Prison and Penal Farm at 90 PDLs mula sa Correctional Institute for Women.
Karamihan umano sa pinalaya ay nakapagsilbi na ng maximum sentence,habang 213 ang pinawalang- sala; 129 ang binigyan ng parole; ,29 ang binigyan ng probation at dalawa ang pinalaya sa pamamagitan ng cash bond.
Kasama ni Remulla si Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Rueda-Acosta sa naturang aktibidad.
Nabatid kay Remulla na mamadaliin na ang paglaya ng PDL kapag nakapagsilbi na ito ng kanyang maximum sentence.
Samantala, naglunsad naman si BuCor officer-in-charge Gil Torralba ng Integrity Monitoring and Enforcement Unit (IMEU) na maaring pagsumbungan ng mga iligal na aktibidad ng mga BuCor employees.