935 NA ‘ERRING COPS, SINIBAK SA SERBISYO

By: Victor Baldemor Ruiz

Nasa 935 ‘erring policemen’ ang inutos na sibakin sa serbisyo matapos na sumalang sa PNP-Committee on Disposition of Administrative Cases review ang kanilang mga kaso.

Sa datos ng Philippine National Police, umaabot na sa 4,082 disciplinary cases ng mga pulis ang kanilang naresolba sa loob lamang ng walong buwan o mula Enero 1, 2023 hanggang katapusan ng buwan ng Agosto.


Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, ang mga naresolbang kaso ay nagresulta sa 935 dismissal sa serbisyo; 242 demosyon; 1,850 suspensyon; 159 forfeitures of salary; 680 reprimand;, 110 restrictions at 106 pag-withhold ng benepisyo.

Nilinaw ni Col. Jean Fajardo na kailangang idaan ito sa tamang proseso.

Dahil kabilang sa mga muling titingnan sa pagre-rebisa ng mga kaso ay kung nasunod ba ang proseso, kung tama ang mga dokumento at kung nabigyan ng pagkakataon ang mga respondent na sagutin ang mga katanungan sa kaso.


“Kailangan natin pag-aralan kung tama ba yung kaso, dumaan ba sa proseso, nasunod ba ang due process kasi ayaw natin na later on may mga cases kasi tayo before na eto yung decision, inaffirm natin and later on nabaligtad dahil we failed to observe yung due process.,” aniya.

Gaya din umano ito ng mga kasong hawak ngayon ng IAS gaya ng akusasyon ng pag-ransack at pagnanakaw ng walong Cavite Police sa bahay ng isang professor sa Imus, sa kaso ng anim na pulis na inaakusa sa pagkamatay ng binatilyong si Jemboy Baltazar sa Navotas.


Nabatid na mayroon na ring recommendation ang IAS subalit dadaan pa rin ito sa further review. “And what we can assure kung ano man yung findings and we will no longer alter the said findings,” paliwanag ng opisyal.

Nabatid na matapos ang review ng Committee on Disposition of Administrative Cases, saka ito ibibigay kay PNP Chief General Benjamin Acorda, Jr. para sa kanyang pinal na desisyon.


Sinasabing base sa disciplinary mechanism ng PNP, sa loob ng 60 araw ay kailangang ma-resolba ang administrative cases na inihain laban sa pulis na sangkot.

Sinasabing isang malaking hakbang sa pagsisikap ng PNP na masigurong tumatalima ang kanilang mga tauhan sa pinakamataas na antas ng propesyonalismo at integridad.



Tags: Philippine National Police

You May Also Like