Latest News

93 PERCENT NG PATAY SA COVID, HINDI BAKUNADO

INIULAT ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na 93% ng mga taong namatay dahil sa COVID-19 sa Pilipinas ay hindi bakunado laban sa virus.
Sa Talk to the People ni Pang. Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi rin ni Duque na 85% ng mga COVID-19 patients na may malala at kritikal na lagay, ay mga unvaccinated rin.

“Ang laking bagay kapag hindi po sila bakunado . . . Talagang they account for the biggest number or percentage of the total deaths and also for the severe and critical cases,” ayon pa kay Duque.

Kaugnay nito, patuloy pa ring hinihikayat ng DOH ang publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 upang makaiwas na dapuan ng malalang karamdaman.


Nanatiling nasa “high risk” sa COVID19 ang apat na rehiyon sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ,labilang dito ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, at ang SOCCSKSARGEN.

“Ang kanilang 2-week growth rate ay still mataas kumpara sa ibang rehiyon ng bansa na negatibo na. Kasi katulad nga ng sinabi natin, ‘yung pagtaas nila medyo latter part compared to other regions,”ayon kay Vergeire.

Nabatid kayVergeire na ang average daily attack rate of the regions ay mabagal na bumababa.


Nakita naman sa datos na ang Zamboanga Peninsula ay nakapagtala ng ADAR na 9.04 kasa 100,000 population, sinundan ng 12.57 sa SOCCSKSARGEN, 13.44 sa Northern Mindanao, at 20.72 sa Davao Region.

“So that’s what I was explaining na mahirap po tayo magsabi sa ngayon na tail-end na tayo when in fact, there are still other regions with this kind of risk classification,” ani Vergeire.

Sinabi ni Vergeire, nananatiling nasa moderate risk sa COVID 19 ang Pilipinas na may ADAR na 11.35 kada 100,000 population.

Ang national average ng arawang kaso ay bumaba naman sa 52% noong nakalipas na linggo,habang ang positivity rate sa bansa ay naitala sa 22.2% habang ang total bed utilization rate ay nass low risk na 37%.


Tags:

You May Also Like

Most Read