Latest News

91M botante lalahok sa BSKE; 672,016 BSKE post, susungkutin

By: Jaymel Manuel

Nasa 91,094,822 botante ang lalabas sa Lunes para bumoto sa 672,016 puwesto para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa bansa.

Ayon sa inilabas ng Election Records and Statistics Department ng Commission on Elections(Comelec) na inihanda ni Director Celia Romero, sa nabanggit na bilang ay 67,839,861 ang botante sa Barangay at
23,254,961 ang botante sa SK.

Napag–alaman na ang halalan ay magaganap sa 42,001 Barangay sa 149 siyudad at 1,485 munisipalidad.

Ang mga botante ay boboto sa 37,341 voting center na may 201,993 clustered precincts kung saan pupunan ang 42,001 Punong Barangay at 294,007 posisyon sa mga miyembro ng Sangguniang Barangay, gayundin sa 42,001 SK Chairperson at 294,007 miyembro ng Sangguniang Kabataan.

Tags:

You May Also Like

Most Read