9,107 bagong kaso ng COVID-19 naitala mula Mayo 29 hanggang Hunyo 4, 2023

By: Philip Reyes

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Lunes ng may 9,107 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula Mayo 29 hanggang Hunyo 4, 2023.

Nabatid sa national COVID-19 case bulletin ng DOHna ang average na bilang ng bagong kaso ng sakit kada araw ngayong linggo ay nasa 1,301.


Ayon sa DOH, mas mababa umano ito ng 22% kumpara sa mga kasong naitala noong Mayo 22 – 28, 2023.

Sa mga bagong kaso, 77 pasyente ang may malubha at kritikal na karamdaman habang mayroon namang naitalang 10 pasyente na sinawimpalad na bawian ng ng buhay. Kabilang dito ang tatlong namatay noong Mayo 22 hanggang Hunyo 4.

Nabatid sa DOH na hanggang noong Hunyo 4, 2023 ay mayroong 559 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital sa bansa dahil sa COVID-19.


Iniulat rin ng DOH na sa 2,099 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, nasa 397 o 18.9% ang okupado habang 4,101 naman o 23.0% ng 17,848 non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyan ding ginagamit.

Muling pinaalalahanan ng DOH ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19 sa bansa.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like