SISIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec), ang imbestigasyon kaugnay sa may 900 dispalinghadong vote counting machines (VCMs) na hindi nagamit sa natapos na halalan noong Mayo 9
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang Steering Committee ay pamumunuan ni Commissioner Marlon Casquejo ay magkikita ngayon araw (Sabadi) ,kasama ang Comelec Advisory Council (CAC) at ang Project Management Office (PMO) para pag-usapan ang naturang isyu ng mga sirang VCMs.
Ang pagpupulong ay isasagawa bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan kung bakit hindi gumana ang may 900 VCMs noong halalan
“In view of the call of the President to investigate the defective VCMs during the election last Monday, Commissioner Casquejo, the head of the steering committee, will convene tomorrow (May 14), the CAC and the PMO to get to the bottom of this issue,” ayon kay Garcia.
Una nang sinabi ni Duterte na imbestigahan ang isyu ng VCMs para maalis ang pagdududa sa integridad ng results ng halalan.
Samantala, tumanggi naman mag komento si Comelec spokesma John Rex Laudiangco kaugnay sa panawagan na buwagin na ang Party-list system.
Ayon kay Laudiangco, ang magdedesisyon para.maibasura ang.partylist-system ay ang Kongreso. (Jantzen Tan)