Latest News

900 BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, NASAGIP NG PAOCC AT CIDG

By: Victor Baldemor Ruiz

PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa mga hinihinalang nasa likod ng sinalakay na suspected illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban, Tarlac.

Sinasabing nasa 900 na umano’y biktima ng human trafficking ang nasagip ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) katuwang ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), sa isinagawang pagsalakay sa POGO hub sa bayan ng Bamban ng nasabing lalawigan.


Nag-ugat ang pagsalakay ng mga tauhan ng pamahalaan sa reklamo ng isang Vietnamese national na nakatakas matapos umanong pagmalupitan sa loob ng POGO compound, ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission spokesperson Winston Casio.

Ayon sa ulat, na-rescue ng PAOCC at CIDG ang 371 Filipinos, 432 Chinese, walong Malaysians, 57 na mga Vietnamese nationals, tatlong Taiwanese nationals, dalawang Indonesians at dalawang Rwandans na pawang pinaniniwalaang mga POGO workers.

Bukod sa PAOCC at CIFG ay tumulong din sa nasabing massive operation ang mga operatiba ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group, PNP Intelligence Group at Northern Luzon Command ng AFP.


Ito ay matapos na maglabas ng dalawang warrant of arrest si Bulacan Executive Judge Hermenegildo Dumlao ng Bulacan RTC branch 81 laban sa mga opisyal at kawani ng internet gaming licensed hub Zun Yuan Technology Incorporated, dahil umano sa trafficking in persons at serious illegal detention.

Nag-ugat ang operasyon matapos maghain ng reklamo ang isang Vietnamese national na nakatakas sa nasabing pasilidad nitong February 28, habang nagpasaklolo rin ang isang Malaysian national dahil kinukulong umano sila sa compound na kanilang pinagtatrabahuhan.


Nabubulgar din na bukod sa online games ay sangkot din ang sindikato sa “Love Scam” base sa mga nakuha ang mga ito na scripts na tulad nang ginamit sa iba pang POGO hubs na sangkot sa love scam.

Samantala, sa ngayon ay kasalukuyan nang sinusuri ng PNP-CIDG at Bureau of Immigration ang mga nasagip na dayuhan ng mga operatiba para sa proper immigration documents ng mga ito.


Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) director Undersecretary Gilbert Cruz, “the persons found in the compound are now being interviewed for profiling purposes.”

Sinasabing may mga nakuha ring iba’t- ibang kalibre ng baril sa loob ng POGO office.

Sinabi pa ni Cruz na kumukuha ngayon ng cyber warrant PNP Anti-Cybercrime Group para masuri ang mga nasamsam na mobile phones .



Tags: Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC)

You May Also Like