ISANG passenger motor lunch na may sakay na 90 pasahero ang sinaklolohan ng Philippine Navy na sa ilalim ng Western Mindanao Command malapit sa Languyan sa lalawigang ng Tawi-tawi kamakalawa ng gabi.
Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta, nirespondehan ng mga tauhan ng BRP General Mariano Alvarez (PS176) ang 90 katao sakay ng bangkang de-motor na M/L Len-Lyn na nagkaaberya sa laot sakop ng bayan ng Languyan.
Ayon kay Capt. Hilarion Cecista, acting commander ng Western Mindanao Naval Command, ang bangka na M/L Len-Lyn ay galing sa bayan ng Pangutaran sa Sulu at patungo sana sa Sibutu, Tawi-Tawi, nang biglang magka -aberya ang makina nito.
Dakong ala-1:30 ng hapon nang makatanggap sila ng ‘distress call’ mula sa isa sa mga pasahero na nagsabing sila ay palutang-lutang sa layong 3.4 nautical miles hilaga ng Tumbagaan Island.
Makaraang matanggap ang distress call, nagsasagawa ng routine maritime security operation ang PS176 sa lugar.
“Agad nagtungo ang BRP General Mariano Alvarez sa pinakahuling plotted location ng bangka at natagpuan ito malapit sa Languyan Island,” ng sumaklolong patrol ship, habang tuloy-tuloy na nakikipag-ugnayan ang crew ng PS176 sa Naval Task Force 61 para ma-locate agad ang coordinates ng stranded vessel.
Mabilis na hinila ng barko ng Navy ang M/L Len-Lyn patungong Chinese Pier sa Bongao, Tawi-Tawi upang masigurong ligtas ang mga pasahero.
All personnel involved in the operation are safe and accounted for, “ayon sa ulat.














