90% ng mga estudyante, target na mabakunahan

TARGET umanong mabakunahan ng COVID19 vaccine ng gobyerno ang 90%.

“Student population” sa sandaling matuloy na ang face to face class sa bansa .


“Yun talaga ang gusto namin, gusto talaga naming mabuo yung aming plano na at least 90% po sa ating mga estudyante ay talagang mabakunahan para at least wala tayong problema sa face-to-face,” ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa panayam ng radyo.

Ayon kay Galvez maganda naman ang naging resulta ng vaccination roll-out sa mga bata nasa edad 12 hanggang 17 at may kahilingan pa mula sa mga estudyante at magulanh na isama na sila sa ikalawang booster shot.

Ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC) may 2.5 milyon ng 14 milyon bata may edad 5-11 at may 9.3 milyon ng 11.4 milyon nasa.edad 12-17 ,ang kumpleto nang nabakunahan.


Kaugnay nito,sinabi ni Galvez ba oobserbahan muna ng gobyerno ang US Food Drug Administration(FDA) bago iutos ang pagbibigay ng booster sa 5-11 anyos na kamakailan ay ini awtorisa ang pagbibigay ng Pfizer at BioNTech’s COVID-19 vaccine bilang boostwr sa naturqng age group.

Sa datos ng Department of Education nasa 25,668 o 56.89% ng public schools nationwide ang bumalik na sa face to face class.


Kaugnay nito,sinabi ni Galvez na bahagya nang tumaas ang vaccination rate sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos ang Special Vaccination Days (SVD). (Jaymel Manuel)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like