Ibinulgar ng Department of Justice (DOJ) na hanggang 90% ng mga kasong isinampa sa mga korte ay na-dismiss dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
“Umabot po ng 80% banda doon no yung mga na di-dismiss due to lack of documents or ‘yung standard po ng evidence ay hindi umabot po nung probable cause na sinasabi natin,” ayon kay Justice spokesperson Mico Clavano.
Idinagdag pa na 90% hanggang 95% ng kasong isinampa ng DOJ ay naibabasura rin, habang sa hanay naman ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni PNP acting chief Police Major General Emmanuel Peralta na may 21.4%.sila na conviction rate.
Ayon kay Clavano , nakaka-alarma. ito dahil maari nitong maapektuhan ang. pag-iisip ng publiko.
“Sa tingin po namin, ang attitude tuloy ng ating mga kababayan ay okay lang pala na gumawa ng krimen dahil ganyan po ang statistics natin,” ayon kay Clavano.
Nabatid na upang solusyunan ito ay magsasama na ang police officers at agents ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pag- buildup ng kaso sa ilalim ng Department Order No. 20.
“Pagkatapos gumawa ng isang team na magkakaroon ng case build-up in partnership with the law enforcement agents, may ibang team or a different set of eyes who will evaluate the evidence eventually. Kasi para lang mapakita na objective ‘yung proseso,”ayon naman kay Usec Jesse Andres.














