9 PANG PULIS SABIT SA 990 DRUG HAUL TARGET NG MANHUNT OPS NG PNP

By: Victor Baldemor Ruiz

SIYAM pang pulis na kabilang sa 29 na mga aktibo at dating pulis ang nanatiling target ng manhunt operation ng Philippine National Police matapos na ipag-utos ng Manila Regional trial court ang pag dakip sa kanila kaugnay sa pagkakadawit umano nila sa P6.7-billion drug haul sa Tondo Manila.

Ayon kay PNP spokesperson BGen. Jean Fajardo, kahapon sa 29 active at dating pulis na pakay ng arrest warrant na inilabas ng Manila RTC Br 175; dalawampu na ang nasa kustodiya ng Philippine National Police.

Sampu rito ang hawak ng ibat-ibang arresting units, siyam ang nasa PNP Custodial Center, habang isa ang nasa Manila City Jail. Habang puspusan ang ginagawang paghahanap ng PNP-CIDG sa siyam na iba pa, apat dito ay ay active police officials, tatlo naman ang retirado habang isa ang sinibak sa serbisyo.


Samantala, tinalakay rin ng korte ang kanya-kanyang hiling ng mga akusado sa kanilang detention, kung ililipat ba sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center.

Nabatid na pinag aaralan ngayon ng Manila RTC kung saan pansamantalang ilalagay ang mga akusado matapos na itakda itinakda ng Korte sa February 14, 2025 ang pre-trial para sa kasong paglabag sa RA 9165 laban sa 29 na mga pulis


Kasama rin dito si Patrolman James Osalvo na hiniling mailipat sa PNP General Hospital at mabantayan ng isang kamag-anak.Ito ay dahil sa kondisyon ng pulis na nasangkot sa aksidente at nasa kustodiya ngayon ng Custodial Center sa Camp Crame.

Una ng naghain ng not guilty plea ang mga abogado ng mga akusado na idinadawit sa 990 kilos shabu haul sa Tondo sa ginanap na arraignment.


Bagama’t tumangging magbigay ng plea ang kampo ni MSgt. Rodolfo Mayo Jr. dahil sa nakabinbin nilang motion to quash sa paglilitis, ang korte na ang naghain ng not guilty plea para sa kanya.

Hindi naman sumipot ang mga abogado ng ilan sa mga akusado na nakalalaya pa rin kasama na si PLt.Col. Glenn Gonzalez.

“As of today, may nine pa tayong ina-account. Yun ang pinagtutulungan ng CIDG [PNP Criminal Investigation and Detection Group] at ibang units,” ani Fajardo.

Tags: Battalion at Philippine National Police (PNP)

You May Also Like

Most Read