PATULOY na binabantayan ng Philippine Army ang apat nilang tauhan na malubhang nasugatan matapos ang dalawang araw na pakipagsagupa sa hanay ng Dawlah Islamiyah terror group na ikinamatay ng siyam na terorista sa Lanao del Sur.
Sa ulat na ipinarating kay Army Commanding General Lt. General Roy Galido, nakasagupa ng kanilang 3rd Scout Ranger Battalion, na nasa ilalim ng 103rd Infantry (Haribon) Brigade 1st Infantry Division, ang isang malaking grupo ng mga armadong kasapi ng Daulah Islamiyah sa Barangay Tapurong, Piagapo, Lanao del Sur.
Nagresulta ito ng serye ng engkwentro mula January 25-26, 2024, kung saan na- neutralize ang siyam na terorista na kinilalang nasa likod na madugong pagpapasabog sa Marawi State University noong Disyembre 3, 2023.
Bukod sa mga napaslang ay nabawi rin ng military ang walong high-powered firearms .
“Our thoughts and prayers are with the four soldiers who sustained injuries during the said operation. They were transported to Amai Pakpak Medical Center for urgent medical attention. We remain committed to ensuring their swift recovery,” ani Galido.
Kasabay nito ay tiniyak ng heneral na hindi nila lulubayan ang pagtugis sa mga nalalabing terorista sa bansa.
“Rest assured, there will be no let-up in our follow-up operations to eliminate remnants of local terrorist group,” dagdag pa nito, kasunod ng panawagan sa mamamayan na maging alerto at makipagtulungan sa Hukbong Katihan sa pagsugpo sa banta ng terorismo.














