8k PASAHERO, NA-STRANDED SA MGA PANTALAN

By: Carl Angelo

Umabot sa may 8,000 pasahero ang na-stranded sa 136 pantalan sa bansa bunsod ng patuloy na pananalasa ng bagyong Kristine.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) hanggang alas-11 ng umaga nitong Huwebes ay nasa 7,957 mga pasahero, truck drivers at cargo helpers ang hindi maka-biyahe dahil sa bagyo.


Stranded din ang nasa 2,736 rolling cargoes, 147 barko at 65 motorbanca habang 326 barko at 313 motorbanca naman ang napilitang tumigil sa paglalayag at pansamantalang magkubli muna upang makaiwas sa hagupit ng bagyo.

Kabilang sa mga na- stranded na indibidwal ang 642 ang istranded sa Southern Tagalog; 3,033 sa Bicol Region; 1,080 sa Eastern Visayas; 1,554 sa North Eastern Mindanao; 619 sa Central Visayas; 417 sa Western Visayas; 150 sa National Capital Region-Central Luzon at 462 sa Southern Visayas.

Napag-alaman sa PAGASA na namataan ang bagyo malapit sa Aguinaldo, Ifugao, na may taglay na maximum sustained winds na 95 kilometero kada oras malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 160 kph.


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like

Most Read

Latest News