Umabot sa may 886 pulis-Maynila ang na -promote ng ranggo.
Sa ginanap na ‘simultaneous oath-taking, donning and pinning of ranks’ na ginanap sa MPD Headquarters, pinaalalahanan ni Manila Police District Director PBGen Andre Dizon ang mga bagong promote na pulis na maging simple lang ang kanilang pamumuhay para makaiwas na masangkot sa iligal na aktibidad.
“Ang propesyon ng pulis ay isang simpleng lingkod-bayan lamang at hindi ito pang mayaman,”ayon kay Dizon.
Ang mga pulis na na-promote ay mula sa ranggong Corporal hanggang Major.
Pinayuhan pa ni Dizo ,ang mga pulis na pangalagaan ang kanilang mga pangalan para na rin sa kanilang mga anak at pamilya.
Samantala, sumailalim naman sa “suprise drug test”,ang mga station commanders at PCP Commanders ng MPD matapos na ipatawag sa National Capital Region Police Offce (NCRPO).
Nag-negatibo naman sa drug test ang lahat ng mga opisyal na ipinatawag ng NCRPO.
Ang surprise drug test ay isinagawa sa NCRPO upang matukoy ang mga drug user na pulis. (JERRY S. TAN)














