879,425 KATAO, APEKTADO NG BAHA DULOT NG SHEARLINE AT LPA; DALAWA, PATAY

By: Victor Baldemor Ruiz

NANATILING nakalubog sa tubig-baha ang may 157 areas bunsod ng nararanasang shearline at Low pressure Areas (LPA) na nagdudulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan at sinasabing kumitil na ng dalawang katao sa Eastern Visayas.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), kasalukuyang bina-validate ng kanilang tanggapan ang ulat na may dalawang nasawi bunsod ng mga nararanasang pagbaha partikular sa Visayas region.


Sa inilabas na situational report ng Office of Civil Defense, nananatiling nakalubog pa rin sa tubig-baha ang 157 lugar kabilang dito ang area ng MIMAROPA na may 3, Region VI na nasa 31 lugar, habang pinakamalawak ang baha sa Region VIII na may 123 ‘flooded areas’.

Bukod sa dalawang ‘reported deaths’ ay may isang naitalang nasaktan na kabilang sa mahigit 879,000 katao na naapektuhan ng malalakas na pag-ulan, kung saan 41,595 ang nanatiling nasa evacuation centers, ayon sa NDRRMC.

Umakyat naman sa 47 bayan at lungsod ang inilagay sa ilalim ng state of calamity, habang may 17 kalsada at tulay ang nanatiling hindi pa nadadaanan at may 250 houses naman ang nawasak bunsod ng mga pag ulan at pagbaha na naging sanhi rin ng 21 landslides.


Ayon sa NDRRMC, nakapaghatid na ng P51.86 million halaga ng ayuda ang nasabing tanggapan sa mga apektadong residente.

“A total of 224,977 families or 879,425 persons were affected. Of which, 16,423 families or 41,595 persons were served inside 139 ECs and 9,356 families or 32,695 persons were served outside ECs,” ayon sa NDRRMC.


Bagsak naman ang komunikasyon sa apat na lugar sa Region VIII. Samantala umakyat na sa P38,596,838 ang initial reported damages sa Region VIII.


Tags: National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)

You May Also Like