By: JESSE RUIZ
PINAYUHAN Office of Civil Defense ang sambayanan na paghandaan ang posibleng epekto ng matinding tagtuyot na mararanasan sa mga susunod na buwan bunsod ng El Niño phenomenon, na inaasahang makakaapekto sa pamumuhay ng maraming Pilipino.
Sa huling tala na ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), nasa 428,000 indibidwal na ang naaapektuhan ng El Niño sa buong kapuluan.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring umabot sa napakalakas na antas ang El Niño sa pagtatapos ng 2026 at magpapatuloy hanggang sa unang kalahati ng 2027.
Ayon sa ibinahaging situational report ng OCD, ang nasa 115,246 pamilyang naapektuhan ng tagtuyot ay naitala sa Cagayan Valley, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon), Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan), Bicol Region at Caraga.
Dahil sa nasabing weather phenomenon, isinailalim na sa state of calamity ang nasa 106 siyudad at munisipalidad .
Mula sa bilang na ito, 66 ang nanggaling sa Cagayan Valley, 23 sa Caraga, 12 sa Bicol Region, apat sa Calabarzon at isa sa Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at General Santos City).
Sinabi pa ng ahensya na ?45,493,054.06 na halaga ng tulong ang naipagkaloob sa 34,649 na pamilya, na katumbas ng 73.74 porsyento ng mga pamilyang nangangailangan ng tulong, habang sa inilabas nitong nakalipas na buwan ng Setyembre, sinabi ng Kagawaran ng Agrikultura na naapektuhan na ng El Niño ang 223,214 na magsasaka sa 14 na rehiyon sa bansa, kung saan ang pinsala sa sektor ng agrikultura ay umabot na sa ?6.87 bilyon.
Inaasahan na mas maraming pamilya at mga lugar ang maapektuhan ng El Nino dahil titindi pa umano ang antas nito sa huling bahagi ng taon at tatagal hanggang sa unang bahagi ng 2027.
Sinabi rin ng PAGASA na inaasahang mas maraming lugar ang makararanas ng tagtuyot mula Oktubre 2026 hanggang Marso 2027 habang patuloy na umiiral ang El Niño sa bansa.
Samantala, inihayag naman ni PAGASA weather specialist Junie Ruiz na makararanas na ng madalang na pag- ulan ang bansa lalo’t nagtapos na ang umiiral na Southwest monsoon o Habagat .
Ayon kay Ruiz, may anim na lalawigan sa Luzon at Visayas ang makararanas ng tagtuyot sa buwan ng Oktubre at Nobyembre na tatagal hanggang Marso 2027 .
Mas marami pang lugar ang tinatayang makararanas ng tagtuyot at ayon sa weather forecast, 17 areas ang mapektuhan pagsapit ng buwan ng Disyembre at aakyat ito sa bilang na 45 lugar pagsapit ng Enero 2027 at loloboo sa 78 areas sa buwan ng Pebrero at magiging 84 areas sa Marso 2027.














