83-ANYOS NA LOLA, PATAY SA SUNOG SA TONDO

By: Baby Cuevas

NASAWI ang isang 83- anyos na biyuda matapos na ma -trap sa nasusunog nilang bahay kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas- 9:15 ng umaga sa bahay na pag-aari ni Gloria Rumageura sa No. 294 Matimtiman St., Brgy 32,Zone 2, District 1 Tondo, Maynila.


Umabot sa unang alarma ang sunog at idineklarang ‘fireout’ alas- 10:34 ng umaga.

Napag-alamang hindi umano nakalabas ng bahay ang biktimang si alyas Nena at hindi na din nailabas dahil sa malaki na ang apoy .

May limang bahay ang nadamay at nasunog habang walong pamilya ang nawalan ng tirahan.


Samantala, patuloy namang iniimbestigahan ng Arson division ang sanhi ng sunog at itinatayang nasa P50,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian sa insidente.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like

Most Read

Latest News