82 KILO NG MARIJUANA AT 1,881 CANABIS VAPE, NASAMSAM

By: Victor Baldemor Ruiz

UMAABOT sa 82 kilos ng dried marijuana leaves na nakasilid sa limang balikbayan box.ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, bukod sa high-grade marijuana na itinatayang nagkakahalaga ng P116.8 milyon ay nadiskubre din ang 1,881 cannabis vape pens sa kanilang operation.


Lumilitaw na nagmula ang mga iligal na kontrabando mula sa Thailand na kabilang sa 200 balikbayan boxes na dumating sa Manila International Container Port (MICP) noong pang Pebrero 27.

Sinasabing nadiskubre ng K-9 dog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga droga na nakatago sa mga balikbayan box.

Sinabi ng BOC na ang limang kahon ay naka-consign kay Marcelo D. Laylo Cargo Forwarders, kung saan ang recipient ay nakalista bilang Gerard Cruz.


Gayundin, isang alert order ang inilabas noong Pebrero 28 na naging daan para sa pisikal na pagsusuri sa nilalaman ng mga balikbayan boxes noong Abril 2.

Ang mga kahon ay ibinalik sa lalagyan at muling tinatakan at saka ipinadlock.


Ang mga kontrabando ay ililipat sa pangangalaga ng PDEA pagkatapos ng buong imbentaryo, ayon pa sa Aduana.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 118 (prohibited importation and exportation) at Section 1400 (misdeclaration) ang mga consignee, senders at recipient ng balikbayan boxes kaugnay ng Section 1113 (property subject to seizure and forfeiture) ng Customs Modernization and Tariff Act at ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Samantala, naharang ng BOC ang pitong unclaimed parcels na naglalaman ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P14.8 milyon na dumating sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Isang parsela na dumating noong Enero 19 mula sa Wilmington sa California na naglalaman ng 2.4 kilos ng cocaine na may street value na P13 milyon.

Anim pang parcel na idineklarang naglalaman ng mga personal na gamit ang nadiskubre na may nakasamang 1.3 kilo ng high-grade na dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.8 milyon.



Tags: Bureau of Customs (BOC)

You May Also Like