Inihayag ni Mayor Honey Lacuna ang pagkakaloob ng 8,000 trabaho sa isang job fair na ginanap sa Maynila nitong Labor Day. Kasama niya sa larawan si PESO chief Fernan Bermejo na nangasiwa sa nasabing job fair.

8,000 TRABAHO PARA SA MANILENYO, ALAY NI MAYOR HONEY SA LABOR DAY

By: Jerry S. Tan

LIBO-LIBONG residente ng Maynia na dating jobless ang nabigyan na ngayon ng trabaho ng pamahalaang-lungsod.

Ito ang masayang iniulat ni Manila Mayor Honey Lacuna, kasunod ng matagumpay na pagdaraos ng 2025 Labor Day Job Fair nitong Huwebes, kung saan umabot sa 8,000 job vacancies ang inialok ng Public Employment Service Office (PESO) ng lokal na pamahalaan, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment – National Capital Region at DOLE NCR Manila Field Office.

Kaugnay nito ay pinasalamatan ni Lacuna ang mga aplikante at ang 55 local employers na lumahok sa job fair na isinagawa sa Manila Science High School sa Malate, Manila mula 9 a.m. hanggang 4 p.m. nitong Mayo 1, Labor Day.


Ayon kay Lacuna, ang nasabing job fair ay bahagi ng walang humpay na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na makapagkaloob ng job opportunities or trabaho para sa lahat ng residente ng Maynila na nangangailangan ng mapagkakakitaan.

Dagdag pa ng alkalde na ang naturang aktibidad ay paraan rin ng lungsod upang bigyang pagkilala ang mga manggagawa.


“Sa bawat pawis at sakripisyo ng bawat Pilipinong manggagawa—maraming, maraming salamat po! Mula sa mga manggagawa sa pabrika, opisina, ospital, paaralan, kalsada, palengke, at iba pang larangan ng industriya—saludo kami sa inyo. Kayo ang tunay na lakas ng bayan,” ani Lacuna.

Napag-alaman din kay PESO chief Fernan Bermejona na sa idinaos na 2025 Labor Day Job Fair ay naglagay din sila ng One-Stop-Shop na nagbigay ng serbisyo sa mga residente na may transaksiyon sa SSS, Pag-Ibig, PhilHealth, BIR, MPD, NBI, OWWA, DTI, PSA at iba pa.


Aniya, ang administrasyong Lacuna ay tuloy-tuloy ding nagkakaloob ng trabaho sa mga senior citizens at persons with disability, sa pamamagitan ng pakikipagtuwang sa ilang pribadong establisimiyento sa lungsod ng Maynila.

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read