8,000 LOOSE FIREARMS NARECOVER NG PNP

Nasa mahigit walong libong walang dokumento o hindi lisensyado ang na-recover ng Philippine National Police (PNP) sa loob lamang ng tatlong buwan.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., resulta ito ng pinaigting na kampanya ng Pambansang Pulisya laban sa mga iligal na sandatang pamuksa na kadalasan ay nagagamit sa paghahasik ng kriminalidad .

Base sa record ng PNP ang mga narekober at nakumpiskang baril ay nakuha sa mga checkpoint operation, anti-drug operation at iba’t ibang law enforcement operations habang ang iba naman ay isinuko mula Hulyo hanggang Oktubre 8.


Kaugnay pa sa kampanya laban sa loose or undocumented firearms ay aabot din sa 5,000 baril din ang boluntaryong tinurn over sa PNP para sa safekeeping.

Umaabot sa 2,471 indibidwal naman ang naaresto dahil sa paglabag ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.


Samantala bukod sa iba pang kasong criminal ay hiniling ni DILG Secretary Benhur Abalos sa PNP na palakasin din ang kampanya kontra iligal na droga sa bansa.

Ang pahayag ng kalihim ay kasabay ng pagbibigay parangal sa mga miyembro ng special investigation task group sa Lapid murder case na isinagawa sa grandstand ng Camp Bagong Diwa sa Lungsod ng Taguig kamakalawa na pinangunahan ni NCRPO Chief Police Brig. Gen. Jonnel Estomo.


Ayon kay Secretary Abalos, ngayon nakapaghain na sila ng kaso sa Percy Lapid murder case dapat naman aniyang tutukan ang paglaban ng PNP sa illegal drugs.

Sinabi pa ng kalihim, na dapat na hanapin ang mga ugat o mga malalaking isda sa pagkalat ng ipinagbabawal na droga at mapanagot sa batas.

Kasabay ng pagtukoy sa mga barangay na may mararaming users at pushers ng ipinagbabawal na droga para matutukan ng mga awtoridad at maipa-rehab ang mga lulong sa droga at kasuhan naman ang nararapat na kasuhan. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

 

Tags: Jr., PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin

You May Also Like

Most Read