8,000 kaso ng pang-aabuso sa kabataan, naitala noong 2021

Nasa mahigit 8,000 kaso ng pang- aabuso sa mga kabataan ang naitala sa mga hospital ng Women’s and Children Protection Unit.(WPCU) noong 2022.

Nasa 43 naman ang natanggap na reklamo ng Welfare of Children ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)sa nabanggit na taon.

Sinabi ni DSWD Usec Angelo Tapales sa ginanap na ‘Laging Handa Briefing’ na pinalalakas pa nila ang legislative agenda para mas mabigyan ng proteksiyon ang mga kabataan.


Hinikayat rin ni Tapales ang mga kabataan na tumawag sa Makabata Helpline 1383 partikular na iyong mga nahihiyang lumantad para maikuwento ang kanilang karanasan at ayaw na magpakilala.

Ito ay upang matulungan sila na mabigyan ng solusyon ang kanilang mga problema. (Carl Angelo)

Tags: Women's and Children Protection Unit.(WPCU)

You May Also Like

Most Read