Latest News

80 KILO NG SHABU HULI SA DALAWANG MAGKAHIWALAY DRUG OPERATION

Umaabot sa 80 kilo ng Shabu ang nasamsam sa inilunsad na magkahiwalay na anti narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang national security forces sa Cavite.

Sa ulat na ibinahagi ni PDEA Public Information Office chief, Director Derrick Carreon, isang joint anti- illegal drug operation ang inilunsad ng PDEA katuwang ang AFP TF NOAH, Team Navy, PDEG FILD at PNP 4A sa Dasmariñas at General Trias Cavite.

Unang isinagawa ang Operasyon nitong Hunyo 2, 2022 ng alas-8 ng umaga sa Blk. 34, Lot 14, Hyacinth St., Camella Homes, Dasmariñas, Cavite at dito nahuli sina Dominador Robasto Omega, Jr. at Siegfred Omega Garcia na nakuhanan ng 60 kilo ng pinaghihinalaang shabu na itinatayang nagkakahalaga ng aabot sa P408 milyon.


Bukod pa sa butane stove na kagamitan sa pagluluto, mga galon ng hindi kilalang mga kemikal hugis-parihaba na plastic na lalagyan na may puting mala-kristal na substansiya, nakumpiska din ang isang air purifier, isang Android phone at mga identification cards.

Sumunod na sinalakay ang isang bahay sa sa Blk 11 Lot 1 Buenavista Townhomes, General Trias, Cavite ,at naaresto sina Elaine Maningas y Calusin; Ricardo Santillan y Santiago at Laurel Dela Rosa y Salceda

Nasamsam sa kanilang pag-iingat ang may 20 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000,000; apat na P1,000 peso bills; apat na unit na Android phone; dalawang Analog Phone at mga ID.

Kapwa sila ngayon nahaharap sa mga kaso ng paglabag sa Art. II ng RA 9165 ng Comprehensive Dangerous Drugs of 2002 .


Itinatayang nasa P544 miyon ang halaga ng droga na nakumpiska ng PDEA.

Sa loob ng dalawang taon na panunungkulan ni Director General Wilkins Villanueva bilang pinuno ng PDEA, nasa humigit- kumulang na sa P34.6 bilyong pisong halaga ng illegal drugs, mga controlled precursors at essential chemicals at gamit sa paggawa ng mga ipinagbabawal na gamot ang nasunog .

Sa araw na ito, nasa estimated na halagang p14.22 bilyong pesos worth of dangerous drugs were destroyed. Today’s destruction ceremony is in compliance with the provisions of republic act 9165, or the comprehensive dangerous drugs act of 2002. this is also in response to our mandate and the marching order of our president rodrigo roa-duterte to immediately destroy all confiscated dangerous drugs, controlled precursors and essential chemicals to prevent “recycling”, ani Villanueva. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency

You May Also Like

Most Read