Latest News

8 SA 10 PINOY ANG NAGTITIWALA PA RIN SA MGA PULIS

By: Victor Baldemor Ruiz

SA kabila ng sunud-sunod na kontrobersya sa hanay ng Philippine National Police bunsod ng katiwalian at bahid ng iligal na droga ay lumilitaw na walo pa rin sa bawat 10 Pilipino ang patuloy na nagtitiwala at nagpahayag ng kasiyahan sa performance ng pambansang pulis , ayon sa isang survey.

Sa ginawang pag aaral ay lumilitaw na mataas ang trust at performance ratings ng PNP.

Ikinalulugod ng PNP ang resulta ng “tugon ng masa” survey ng OCTA Research Team na nagpapakita ng kanilang mataas na trust at performance ratings na magsisilbi umanong inspirasyon sa organisasyon para lalo pang paghusayin ang kanilang serbisyo sa publiko.


Sa nasabing independent at non-commissioned poll na “Tugon ng Masa” survey ng OCTA Research group mula noong Marso 24 hanggang 28 survey, walo mula sa 10 Pilipino sa buong bansa ang pinagkakatiwalaan ang PNP habang walo rin mula sa 10 Pilipino ang ‘satisfied’ o nasisiyahan sa performance ng PNP.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police BGen. Red Maranan, ipinakikita lamang sa survey na marami pa ring nagtitiwala at kumpyansa sa PNP.


Sa kabila ng kaliwa’t-kanang kontrobersiya na kinasasangkutan ng Pambansang Pulisya, 5% lamang ang walang tiwala sa organisasyon, at 15% ang nagsabing hindi sila tiyak sa performance ng police force.

Sinabi pa ni Maranan na pagpapakita lamang ito na marami paring kumikilala sa trabaho ng mga pulis, kung saan magsisilbi itong motivation at inspiration para paghusayin pang lalo ng PNP ang kanilang serbisyo.


Sinabi sa survey na ang mga respondent sa Visayas at Mindanao ay naghayag na “mas mapagkakatiwalaan” ang PNP na may 89%, habang 67% lamang sa National Capital Region (NCR).

Habang ang age group na 25 hanggang 44 taong gulang ay ang may pinakamataas na trust rating sa police force na may 86%, na sinundan ng mga nakatatanda na may edad 75 pataas na may 56%, nasa edad 55 hanggang 64 na may 10%, at may edad na 18 hanggang 24 na may 9% .

Samantala, ang mga Pilipinong naninirahan sa kanayunan ay higit na nagtitiwala sa puwersa ng pulisya na may 85%, kumpara sa mga nakatira sa mga urban na lugar na may 72%.

Tags: Philippine National Police

You May Also Like

Most Read